Monday, November 28, 2011

Nakagagalak!

Hahaha!
              Wala lang nagalak lang ako dahil may mga bago akong natutunan, nagawa at mga magagawa pa.

nakaka-excite lang kasi. Pero minsan sa sobrang galak na nararamdaman, biglang na lang  na hindi mo na alam

kung ano ang mga dapat mong unahin na gawin. Tapos ang sobrang kagalakan mo ay nauuwi sa pagka inis,

pagka-badtrip at kung ano ano pang pagka wala sa mood.. madalas mangyari sakin to' at nakikita ko na lamang

bigla ang aking sarili na mainit na ang ulo. kaya madalas nag kakaroon ng away. haha. Malabo ba?

            basahin mo na lang uli ng paulit-ulit hanggang sa ma-gets mo. *Ngiting di mauubusan*





Kapag hindi mo tinapos panoorin di ka maso-solve!

         

                                                                    Isa lang masasabi ko EPIC!







Ang Pangarap ni Carding!

Nay, matagal ko na po itong pinag isipan..

nais ko pong mag sakripisyo..

para maabot ang aking mga pangarap..

na abutin ang mga bituin, at anihin ang bunga ng aking pagod,

Handa na po akong lumipad..

na parang lawin at ibuka ang aking mga pakpak,

ipagaspas at salubungin ang daluyong tungo sa bagong liwanag..

may harang mang sibat,kahit anung iharang sa akin,

apakan ko man ang mga bubog na darating,

hinding hindi po ako matitinag.

handa po akong magsakripisyo inay!

pangarap ko pong maging....

ISKWATER!





"I miss my childhood, when the hardest decision was picking a crayon"

 Nung nabasa ko yan, unang pumasok sa utak ko e, Oo nga no! Iba na talaga kasi pag tumatanda ka na Haha. Ako nga pala ay 24 yrs old na.. *para sa mga nagiisip kong ilang taon na ko*

Yun nga nakakamiss maging bata, lalo na ngayon masyado ng nahuhumaling ang mga tao sa technology. isa na din ako dun, pero kahit papaano, naranasan kong maging tunay na bata!

Iba na ngayon, halos lahat ng mga bata ay adik na sa Computer at Iba pang mga Gadget na uso ngayon. Naalala ko noon nag ka-cutting class lang ako pag manghuhuli ng butete, Makikipag laban ng Teks, Luksong baka, Gala sa Pier at kung anu-ano pa. Hay buhay! *buntong hininga* . Ngayon, karamihan sa nag ka-cutting na bata sa eskewela ay dumideretso sa mga ComputerShop/Internet Cafe. Adik sila sa Mga Online Games haha! Kaya nga daw ang hihina ng utak ng mga bata ngayon, ang lalamya pa, bakit?

*Paikli ng paikli ang mga salita, mapaTagalog man o Ingles. o mas kilala ang gawain na yan sa tawag na "Jejemon"



*Dati kapag sinabing "Laro tayo" Matik na, na Tagu-taguan, Syato, Patintero at iba pang mga Larong Kalye, Ngayon "Laro Tayo" matik na yan na DOTA, PSP, PS2 at kung anu-ano pang laro na nakaupo ka lang at daliri lang ang ginagamit.


*Dati ang mga Bata tamad pero masunurin parin. Ngayon Tamad na Matigas pa ulo, ayaw mag paistorbo sa mga nilalaro nilang daliri lang ang pinapagana.



*Dati kapag nag bibinata ka na at nagbabalak na manligaw, Dinadaan sa mga maayos na pamamaraan o Pag-akyat ng Ligaw, Ngayon Kung hindi sa Text messages malamang sa YM, Facebook, Twitter at iba pang mga Social Network.  Sa sobrang Hi-tech ngayon wala pang isang oras kayo na agad ng nililigawan mo.



*Hindi na Kabisado ang Pagkanta sa "Lupang Hinirang".  Nag tanong ako sa isang bata kinanta ko ang lupang hinirang, sabi ko sa kanya alam mo ba ang title nun? sagot nya "Bayang Magiliw" HAHA!




*Dati ang daming makabuluhang pang Batang Palabas noon, tulad ng, Batibot, Sineskwela, Mathinik, ATBP, Hiraya Manawari, Bayani, Ngayon na-invade na tayo nga mga Telenobela ng mga Korean, Taiwanese. puro ganoon na lang ang mga pinalalabas sa Telebisyon.

                     
 

*Dati ang daming nakikinig sa Mga kanta ng Pinoy Mapa-Rock man at kahit anong Genre.  Ngayon puro KPOP, JPOP at kung ano ano pang POP na likha ng mga Banyaga.  at sikat na sikat din ang GAYPOP sensation na JUSTIN BIEBER sa mga Kabataan ngayon. Hay buhay! *face palm*


     



*Ngayon mas maraming umiinom ng Alak kaysa sa Yakult!



*Ngayon mas maraming maagang nagiging AMA/INA.



At marami pang iba.

Inaamin ko naman na Malaki ang naitutulong ng Makabagong Teknolohiya, yun nga lang may mga Disadvantage din, Sabi nga sa Kanta ng ASIN "Hindi na masama ang Pag-unlad, ngunit malayo-layo narin ang ating narating". Kung ang pinapairal lang sana natin ay ang pag babalanse ng mga bagay bagay tulad nyan... Sana hanggang ngayon gawin parin ang mga kinagisnan natin noong tayo'y mga bata pa.

Kaya pag nagka-anak ako, Babalansehin ko sya, Kailangan maranasan din nya ang pagiging tunay na bata at pagiging Makabagong bata. :)


Mabalik tayo dun sa pagka-miss ko sa pagiging bata, Iba kasi talaga noon eh, iba ang saya mas damang dama haha!lahat naman tayo tumatanda, na momroblema ganyan talaga ang reyalidad eh. sana lang hindi tuluyang mawala ang mga kinagisnan nating mga gawain noon, at ibahagi parin natin sa Henerasyon na ito.